Sa gabi ng Disyembre 27,1993 nagsimula ang lahat. Umuulan noon, malakas ang bawat paghagupit ng hangin. Ipainapanganak ako noon ng aking ina. Humahagupit noon ang Bagyong Puring at hirap na hirap ang aking ina. Nagkataon pa naman na nakatira lamang sila sa isang bahay na yari sa kahoy na anumang oras ay maaaring liparin ang bubong. Sa malas ay nilipad nga ito kaya kinailangang ilipat ng pinanganganakan ang aking ina. Sa kasagsagan ng ulan ay nagtulung-tulong ang kanyang ina,mga kapatid at kumadrona. Wala noon ang aking ama dahil nagtatrabaho siya sa Maynila. Sa isang payak na lugar sa Real,Quezon ako isinilang. Sa Brgy. Maragondon kung saan ang mga tao ay namumuhay ng payapa at nagtutulung-tulong. Sa lugar na ito una kong nasilayan ang ganda ng daigdig.
Hindi naman sa ayaw ko sa pangalang ibinigay sa akin ng aking mga magulang na sina Josie Senobio at Jimmy Serrano pero halata naman siguro kung saan kinuha ang pangalan ko. Akala kasi ng aking ina noong ipinagbubuntis niya ako ay isa akong lalaki kaya naisip nilang gawin akong junior ngunit paglabas ko ay nagkamali sila kaya dinagdagan na lang ng lyn para nga naman pambabae. Hindi sayang ang effort sa pag-iisip ng pangalan. Noong ako ay bata pa ay sunod daw ako sa layaw palibhasa ay nag-iisa pa. Ikinuwento nga ng aking ina na noong tatlong taong gulang pa lang ako ay pinainom na ako ng isang basong beer. Humihingi raw ako noon ng maiinom ngunit nagkamali ng ibinigay ang aking ama. Bagkus na baso ng tubig ay ang baso ng beer na kanyang iniinom. Pero dire-diretso daw ako ng inom at di-alintana ang lasa ng beer.
Dahil sa trabaho ng aking ama ay lumipat kami ng tirahan. Isang driver ng trak na nagdedeliver ng produkto ang aking ama at sa katabi ng kanilang pinagtatrabahuhan sa San Pedro, Laguna kami tumira. Doon na ako nagkaisip at nakakilala ng mga kaibigan. Marami akong kalaro dito kay gustong-gusto ko dito. Pero umuwi kami ng Quezon at doon ay ipinanganak ang kpatid ko na si Jomar. Bumalik ulit kami sa San Pedro at dito ako natutong magsulat sa tulong ng aking ina. Umuwi ulit kami ng Quezon at doon na rin isinilang ang aking mga kapatid na sina Jean at Jeffrey. Dito na kami namalagi at dito na rin ako nagsimulamg tumuntong sa paaralan. Naaalala ko nga dati na noong kinder ako, kung 'yung mga kaklase ko ay hinahatid-sundo ng kanilang mga magulang, ako hindi. Mag-isa lang ako lagi sa pagpasok sa paaralan at naghihinakit nga ako noon sa aking ina dahil dito. Mag-isa akong gumagawa ng projects at homeworks at mag-isa rin akong nag-aaral. Kahit kailan ay di ako tinuruan ng aking mga magulang maski na hanggang ngayon.
Sa mababang paaralan ng Maragondon,Real Quezon ako naggrade one hanggang grade three. Malawak ang school namin kaya naenjoy ko pagiging bata sa eskwelahang ito. Ang kaso bago ka makatapasok ay hingal ka na sa pag-akyat sa mataas na hagdan. Nasa tuktok kasi ito. Noong grade three na ako ay lumipat kami dito sa San Pablo dahil dito lumipat ng trabaho ang aking ama. Nalungkot ako ng umalis ako sa Quezon dahil maiiwan ko ang bestfriend ko na si Maricar pero wala akong magagawa. Nahirapan ako makisalamuha sa mga bata sa lugar namin dahil ibang-iba sila sa mga dati kong kalaro pero di nagtagal ay natutuhan ko mag-adjust. Salamat at nakasundo ko naman sila.
Isa akong honor student sa school namin dati at mabuti naman ay napanatili ko iyon sa bago kong skul na San Marcos Elementary School. Nahirapan ako noong una dahil nangangapa talaga ako. Iyong mga bago kong classmates ay di ko kinakausap dahil mahiyain talaga ako. Di naglaon ay nakapalagayan ko na sila ng loob. Sa halos apat na taon naming pagsasama ay na enjoy ko ang elementary life ko. Noong grade six kami ay lagi kaming naglalaro ng sikyo at lagi kaming tumatambay sa bahay ng classmate ko na si Lea sabay bibili ng joly para may mangata. Dito rin sa eskwelahan na ito ko nakilala ang kaibigan ko na si Shiela Potenciano. Lagi kami noon magkasama. Siya rin ang itinuturing ko noon na bestfriend. Dumating nga ang araw ng grduation namin. Malungkot pero masaya rin dahil sa wakas ay magiging high schoolna kami.
Pumasok ako sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL. Napakasaya ko noong unang pasukan. Ang kaso nahirapan ako hanapin yung room ko dahil di ko alam kung anong section ko. Halos libutin ko na yata yung buong school para tingnan yung pangalan ko kung saan kasama. Nakita ko noon si Claire Cuaresma at sabi niya nga ay science siya. Doon ko lang naalala na kumuha nga pala ako ng exam para sa science pero di ko naman alam kung nakapasa ako kaya naglakas loob akong magtanong kay Mrs. Shirley Montaña. Tinulungan nga pala ako ni Mrs. Arlene Katigbak na makakuha ng exam para sa science at sa awa ng Diyos ay pumasa naman.
Sa Dizon ko nakilala ang mga pinakamamahal kong classmates. Noong una ay kakaunti lang ang kaclose ko pero nitong mga 4th year na kami ay madami na. Sa kanila ko naranasan ang pinkamasayang bahagi ng aking pag-aaral. laking pasasalamat ko nga dahil sila ang mga classmates ko dahil nag-eenjoy talaga akong kasama sila. Marami man kaming pinagdaanang hirap ay masasabi kong masaya ang high school life ko dahil sa pambihirang samahan na nabuo sa aming magkakaklase. Ngayong 4th year na kami ay mas lalo pang tumibay ang aming pagsasamahan.
Echo of Silence
by:Jimilyn Serrano
Thursday, March 3, 2011
Wednesday, March 2, 2011
Blog History
I named my blog ECHO OF SILENCE because of my personality. I am a quiet person and i always want to hide my feelings and emotions because i am not comfortable to share it to others. Whenever I feel hurt or sad because of others, I just hide it. For me, it is better to keep it because I don't want to bother anybody about it. When I'm with other people, that I am not closed with, I used to hide or keep what i feel about things because I don't want to offend anybody with my opinions. I think it is better not to speak up if that would hurt others. I just keep them on my mind.
Because of my personality, I often shared my secrets to my friends because for me, friendship doesn't really mean sharing secrets, feelings, or problems. I considered friendship as a source of happiness. Not because I don't trust my friends, but because I don't want to bother them and I don't want them to suffer because of my own problems.
I love silence. I always want silence when I'm writing because I am able to express and write all the ideas on my mind. Silence is in me and in my personality. For me, silence is a good way to keep a good relation to others. For me, my blog will be the ECHO OF MY SILENCE. Even though I don't express what I feel through my mouth my blog will be a great help to express the things on my mind that I cannot tell. My blog will help me to be more confident on my words. It will also a great help in sharing my experiences in life.
Another reason why I named my blog ECHO OF SILENCE is that I am inspired by a nymph named Echo in the great mythology. She was a nymph who was cursed by Hera to repeat all the words from people she was talking to. It is because she tried to protect another nymph who was flirting with Zeus. Echo is a kindhearted nymph and really nice to others thats why she doesn't want others to be hurt even if she doesn't know them. She fell in love with Narciso but this guy just hurt her. But instead of taking revenge on him, she just wish she could tell Narciso what she feels for him. With the help of Nemises, her desire came true after she encounter Narciso saying I Love You to himself in the river. It is the curse of Nemises to Narciso to fall inlove with himself as he looked into the river. Echo's dream to tell Narciso how much she loved him came true because she repeat what Narciso told himself. And because of it, they both disappear.

Clash of the titans
Ang pelikula ay nagsisimula sa kuwento ng Titans. Natalo sa wakas ang mga Titans sa pamamagitan ng kanilang mga anak Zeus ,Poseidon, at Hades, Nang makumbinsi ni Zeus si Hades na gumawa ng isang parang halimaw na nilalang, ang Kraken (na ginawa mula sa laman ni Hades). Si Zeus ang naging pinuno ng mga langit, Poseidon ay naging hari ng mga dagat, at si Hades ( na napaniwala ni Zeus) ay naiwan para pagharian ang Underworld. Si Zeus ang lumikha ng sangkatauhan, at di nagtagal ay nagsimula ng maglinlangan ang mga tao sa pamamalakad ng mga Dios.
Isang libong taon ang lumipas, may isang mangingisda nagngangalang Spyros ay nakahanap ng isang kabaong sa dagat. Ang isang sanggol at ang kanyang ina na patay Danaë ay nasa loob ito.Inampon ni Spyros ang bata at pinangalanang Perseus. Makalipas ang ilang taon, habang nakasakay si Perseus sa isang maliit na bangkang pangingisda kasama ang kanyang pamilya ay nasaksihan nila ang isang grupo ng mga sundalo mula sa Argos sa pagsira ng isang napakalaking rebulto ni Zeus, bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios. Lumitaw si Hades sa harap ng isang kawan ng mga harpies at ng mga kawal. Pagkatapos makamit ni Hades ang tagumpay, sinira nya ang bangkang kinasasakyan ng pamilya ni Perseus.
Si Perseus ay natagpuan ng mga sundalo, na dinala siya sa Argos. Siya ay dinala sa harap ni King Cepheus at Reyna Cassiopeia ,sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng digmaan para sa mga dios. Ang Hari ay gumagawa ng mga pahayag na nagpapakita ng kawalang-galang sa mga dios, at ang Reyna ay pinagkukumpara ang kanilang anak na babaeng si Andromeda sa diyosang si Aphrodite.
Nagalit ng lubha si Zeus, dahil dito binigyan ng pagkakataon si Hades na lumitaw sa harap ng kaniyang mga kapatid sa bundok ng Olympus. Sinabi ni Hades na ang mga dios ang dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag-aalsa, at kinumbinsi din nya si Zeus na payagang sirain ang Argos. Lumitaw si Hades sa courtroom at pinatay ang mga natitirang mga sundalo at iniligtas si Cassiopeia sa bingit ng kamatayan. Nagbabanta si Hades na kung si Prinsesa Andromeda ay hindi magsakripisyo para sa kaluguran ng mga dios sa loob ng sampung araw, ang Argos ay pupuksain sa pamamagitan ng Kraken. Nang paalis na si Hades ay nagpapakilala si Perseus bilang isang kalahating diyos. Si Hermes ,ang mensahero ng Diyos , ai ibinalita kay Zeus na ang kaniyang anak na si Perseus ay buhay at nasa Argos. Tumanggi si Zeus na protektahan ang anak ng malaman ito.
Ibinilanggo ng Hari si Perseus, dahil hindi siya ay lalaban para sa Argos laban sa mga dios. Si Io ang nagpakilala kay Perseus ng kanyang tunay na pamilya. Ito ay upang parusahan si Haring Acrisius para sa kanyang paglaban sa mga dios, nagpanggap si Zeus bilang si Haring Acrisius at siya ang nagging anak. Nang pinatangay ni Acrisius si Danaë at ang sanggol na si Perseus sa agos ay isang galit na galit na Zeus ang nagpatama ng kidlat kay Acrisius na dahilan upang pumangit ang itsura nito. Sinabi din niya kay Perseus na hindi sya tatanda bilang parusa sa pagayaw nya sa panghihikayat ng diyos na si Poseidon. Pagkatapos malaman na ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng paghihiganti laban sa Hades (dahil ito ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang pamilya) Si Perseus ay sumang-ayon na sumama sa pinakamagagaling na sundalo ng Argo sa isang paglalakbay upang mahanap ang Stygian Witches.
Nang mahanap ni Hades si Acrisius, na tinatawag ng Calibos,ay sinabi ang kaniyang plano na gamitin ang Kraken sa pagsira sa Argos, Pinalakas ni Hades si Acrisius upang makapaghiganti kay Zeus para sa pagtataksil matapos ang labanan sa Titan at upang patayin si Perseus.
Habang nasa gubat, na tuklasan ni Perseus ang tabak ng Olympus, pati na rin ang sagradong alaga na lumilipad na kabayo ni Zeus, ang Pegasi. Tinanggihan ni Perseus ang tabak, na maaaring lamang nyang gamitin, at Pegasus, na ang dios ang naghandog bilang tulong, sinabi ni Perseus na hindi nya nais na maging isang diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at pinatay halos lahat ng mga praytoryan sundalo at sinubukang patayin si Perseus ngunit tumakas matapos putulin ni Draco ang kanyang kamay. Gayunman, ang dugo ni Caliboay nagging higanteng alakdan sa labas ng buhangin, na inatake si Perseus at pinatay ang lahat ng mga guwardiya, maliban kay Draco, Solon , Eusebios at Ixas. Sila ay nakaligats sa pamamagitan ng Djinn, isang pulutong ng mga dating taong shamans naging mga demonyo ng Arabian mythology, sa pamamagitan ng pagpapalit ng kanilang mga sugat sa gabok atitim na kapangyarihan. Hindi sila lubos na nagtitiwala sa Djinn hanggang ang kanilang lider na si Sheikh Suleiman ang gumamot ng mga sugat ni Perseus.At nang Makita nila Solon at Draco ang pagpapagaling kay Perseus na sa tingin nila ay sinasaktan ito,lumusob sila at sinubukang iligtas siya. Natalo niya ang lahat ng mga mandirigma at sinabi na ang tanging paraan upang matulungan si Perseus ay sa paglaban ng magkasama. Sumama ang Djinn sa grupo ni Perseus dahil nais din nilang Makita ang mga Dios.
Nang makarating sila sa mga Stygian witches ay sinabi ng mga ito na solusyon ay nasa ulo ng Gorgon medusa, na maaaring patayin ang Kraken pamamagitan n Gawin itong bato. Binigyan si Perseus ng babala na ang kanyang mga grupo ay mamamatay sa proseso at ang lahat ng mga Djinn, maliban kay Suleiman, iwan na ang mga ito. Umalis sina Ozal at Kucuk na nagsasabing hindi sila maaaring lumaban sa underworld. Binisita ni Zeus si Perseus at binigyan ng panlaban sa Mount Olympus, ngunit ito ay tinanggihan. Nagbigay na lang ng isang gintong drakma si Zeus bilang isang paraan upang suhulan si Charon, para sa mga pagdaan sa Underworld.
Sa paglaban sa Medusa , binaril ni Gorgon si Solon, atsiya’y namatay . Napatay naman ng Medusa sina Ixas at Eusebios. Perseus pagkatapos malinlang si medusa, at habang sinusubukan ni Sulieman ang pagpugot ng ulo nito ngunit humantong lamang sa paghiwa ng ilang mga ahas sa kanyang ulo. Natrap ni Medusa si Suleiman sa pamamagitan ng likaw ng buntot sa paligid nito at mga pagtatangkang gawing bato siya. Matapos isakripisyo ni Draco ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon ni medusa ay nagawa ni Perseus na putulin ang ulo nito. Pagusbong mula sa Underworld, nakita ni Perseus si Calibos ng saksakin nito si Io mula sa likod. Pagkatapos ng isang maikling duwelo, napatay ni Perseus si Calibos, gamit ang tabak mula sa Olimpus, na nagbalik kay Calibos sa pagiging tao. Sa kanyang huling hininga, Calibos (ngayon Acrisius) sinabi nito kay Perseus na huwag maging tulad ng mga dios.Nakita ni Perseus si Io na maging gintong alikabok. Pagkatapos bumalik na sa Argos si Perseus gamit ang kabayong si Pegasus dala-dala ang ulo ni medusa.
Sa Argos, ang mga sumasamba kay Hades ay inihahanda ng isakripisyo si Andromeda sa Kraken. Nang pakawalan na ang Kraken , sinabi ni Hades kay Zeus na ang pagsira ng Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians, na magtatapos sa kapangyarihan ni Zeus, bilang paghihiganti ni Zeus sa paglinlang sa kanya,sinabi ni Zeus na buhay pa si Perseus sa Argos. Kahit nagpadala si Hades ng kanyang harpies upang patayin si Perseus,nagawa pa ring talunin ni Perseus ang kraken sa pamamagitan ng ulo ni medusa at nailigats si Andromeda. Pinigilan ni Cepheus si Prokopion, ang lider ng kulto, sa pagpatay kay Andromeda ngunit pareho silang namatay ng mabagsakan ng durog na mga bato mula sa Kraken. Lumitaw si Hades at sinabing isa syang immortal kaya’t hindi sya mapapatay ni Perseus. Sinabi ni Perseus na si Hades ay maaaring mabuhay magpakailanman, ngunit hindi sa mundo ng mga tao. Pagkatapos ay ginamit niya ang Sword of Olympus na may kasamang kidlat mula kay Zeus na tumama sa dibdib ni Hades na nagpabalik ditto sa Underworld at hindi na nakita muli. Tinanung ni Andromeda kung papayag na maging hari ng Argos si Perseus ngunit siya ay tumanggi. Muling nag-alok si Zeus kay Perseus na sumama ito sa Olympus, ngunit muling tumanggi ito. Dahil nais manatili ni Perseus sa mundo, ibinalik na lang ni Zeus si Io bago ito tuluyang lumayo.

Wednesday, February 9, 2011
Bilog
Hindi na naman magkamayaw ang mga estudyante. Kanya-kanyang daldalan at kung anong paghaharutan lalong-lalo na ang mga IV-year student na "nagsusulit" ng panahon na sila'y magkakasama. Sabagay, malapit na nga raw naman silang magkahiwa-hiwalay. Kuwentuhan, tawanan at kulitan ang kanilang inaatupag imbis na asikasuhin ang pagsasaayos ng kanilang mabababang marka at pakikipag-usap sa mga guro na problemadong-problemado kung ano ang gagawin sa mga estudyanteng halos magdodoktoral na sa IV-year. Kailan pa kaya nila balak magtapos?. Siguro para sa kanila, mahirap iwanan ang Dizon High. Paniguradong mamimiss nila ang napakalaking oval na siyang palaging venue ng palarong panlunsod sa San Pablo. Double purpose nga naman ito, hindi lang track and field para sa iba't-ibang laro kundi masayang tambayan tuwing hapon at kapag hindi mainit. Sarap kaya maupo sa madamong lugar na ito. Ayos na ayos kapag may "open forum" kuno. Tuwing maganda ang panahon ay naglipana ang mga estudyante sa lugar na ito lalong-lalo na yaong mahihilig mag-sipa. Wala ng sagabal na bubong na maaaring pagsampitan ng sipa, marami pang wow na makikita.
Habang nagkakagulo ang mga estudyante sa pakikipagkwentuhan, isang grupo ng mga estudyanteng kung titingnan mo ay matitinoat pangkaraniwan lang ang nasa labas ang pawang mga nakatingin sa loob ng kanilang silid-aralan. Sila yaong mga estudyante na naiiba ang trip pagdating sa kaingayan at mga kalokohan. Kung ang mga ibang estudyante ay abalang-abala sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, sila naman yaong nananatiling makaluma. Iba kasi ang pananaw nila ukol dito. Naroroon sila sa labas upang kumpirmahin lang kung pantay-pantay na ba ang inayos nilang upuan. Ayos talaga ang trip nila.
Ang grupong ito ay karaniwan ng makikita sa oval tuwing hapon. Gustong-gusto nila rito at tinatantya pa nga lagi na nasa gitna sila ng lugar sa paniniwalang sila ang sentro ng iba;t-ibang kamunduhan. Isa pang dahilan ay para lang masunod ang trip nila. Anim silang lahat at isa na nga rito si Ismael na galing sa isang pribadong eskwelahan. Lumipat siya dito noong nasa ikalawang antas na siya hindi dahil wala ng pambayad ng tuition kundi nagustuhan lang niya 'yung oval. Kahugis kasi nito ang ulo ng paborito niyang guro noong elementary. Perfect shape iyon para sa kanya kasi mahilig siya sa itlog. Swerte nga dahil nagkaroon ulit siya ng guro na kahugis rin niyon ang ulo at paborito na niya rin ito dahil doon. Bonus pa ang 360 digri kung umikot na mga mata ni G. Imon na nakabibilib at kagilagilalas para sa kanya. Paborito niya 'to dahil lagi siyang binibigyan ng itlog na may smiling face pa. Hindi na kadudadudang makakuha siya ng palakol tuwing magtatapos ang kada grading period. Pambasag ng itlog ika nga ng mga kaklase.
Habang nagkwekwentuhan ang magkakaibigan ay naghari ang nakabibinging alingawngaw ng alas-singko mula sa kapitolyo. Indikasyon na kailangan na nilang umuwi sa kani-kanilang tahanan. Nagpaalam na si Gido sa iba saba'y nagmamadaling pumanaog. Kailangan pa kasi nyang ayusin ang mga ititindang balot at sumunod na nagpaalam si Teri. Apat na lang silang natitira. Ayaw pang umuwi ni Ismael dahil ayaw muna niyang makarinig ng sermon mula sa kanyang ina gayundin ang tatlo pa niyang kasama na sina Pina,Gerard at Fiel. Naglakad-lakad pa sila sa oval. Napasarap ang kwentuhan ng magkakasama at di alintana ang madilim na paligid.
Maya-maya pa'y nagpasya na silang umuwi. Magkakasabay na silang naglakad at nadaanan nila ang isang babaeng na magulung-magulo ang buhok,sira-sira ang damit at mukang galing sa isang malayong paglalakbay dahil sa suot nitong transparent na tsinelas.
"Walang duda, baliw siya". Ang nakatawang wika ni Gerard. Sa malas, mukhang narinig yata siya ng baliw dahil humarap ito sa kanila at nagwikang "Bakit ninyo ako tinitingnan? Pinagsasamantalahan ninyo ako!". Mukhang nagalit ata ang baliw at sa takot na habulin sila ay nagtatakbo ang apat. May nadaanan silang waiting shed at doon ay huminto ang apat at saka humagalpak ng tawa. Tanging si Ismael lamang ang tahimik. Di niya maintindihan ang sarili dahil kinilabutan siya kanina ng husto at parang may kung anong humihila sa kanya palayo sa baliw.
Mula ng gabing iyon ay lagi ng napapanaginipan ni Ismael ang baliw. Minsa ay kinukuha raw nito ang kanyang mga kaibigan at minsan ay ang pamilya niya. Halos di na niya gustong matulog sa takot na maulit ang bangungot. ni minsan ay di niya naisip na ikwento ang kanyang mga panaginip sa kanyang mga kaibigan dahil alam niyang pagtatawanan lang naman siya ng mga ito.
Byernes ng hapon, napagpasyahan ng grupo na magkwentuhan muna uli bago umuwi. Sa pagkakataong ito ay kumpleto silang anim. Tulad ng dati, umupo sila sa paborito nilang bahagi ng oval. Walang humpay ang kanilang kwentuhan kaya di nila napapansin na wala ng ibang tao sa eskwelahan kundi sila. Balisang-balisa si Ismael at di niya maipaliwanag ang kakaibang kabang bumabalot sa kanya. Napansin niya na iba na ang kilos ng kanyang mga kaibigan. Umikot ang mga ito at pati siya ay nadadala na rin at di niya iyon mapigilan. Bigla rin silang tumahimik. Gustuhin mang umuwi na ni Ismael ay di niya magawa sapagkat napakahigpit na ng hawak nina Gerard at Fiel sa kamay nya. Humihip ang malakas na hangin. Nanuot sa kanyang kalamnan ang malamig na haplos nito. Nakatingin ang mga kaibigan niya sa kanya. Mayamaya pa'y nakaramdam siya ng sobrang lamig sa kanyang balikat. May tao sa likod niya at nakahawak pa sa balikat niya. Lumingon siya ngunit di niya maaninag ang nasa likod niya. Ang tangi lang niyang nakita ay ang paa nito na nakasuot ng transparent na tsinelas. Dahil dito ay nagkaroon siya ng ideya kung sino ang nasa likod niya. Bigla na lang nanlabo ang kanyang paningin at naramdaman niya ang malamig na damuhan sa kanyang pagbagsak. Nakapangingilabot na halakhak na lang ang huli niyang narinig saba'y umikot na ang kanyang paningin.
Biglang naalimpungatan si Ismael sa nakabibinging tawag na iyon. Kaharap na niya si Gng. Alusur at mukhang galit na galit ito.
"Tulog ka na naman ng tulog sa klase ko. 'Yang laway mo baka gusto mo munang punasan! Nakakadiri ka talagang bata ka. Puro bagsak ka na nga, tulog ka pa ng tulog! Hay naku!!", ang galit na wika ni Gng. Alusur sabay labas sa silid na iyon. Muntik pa siyang sumabit sa pinto sa sobrang katabaan. "Ano ba naman ito, sa susunod irereklamo ko na ito eh!",ang hirit pa ng guro.
Pupungas-pungas pa si Ismael. Nakatingin sa kanya ang dalawa niyang kaibigan na kapwa tatawatawa sa mukha niyang pinaulanan ng laway ng matabang guro. "Sa susunod magdadala ka lagi ng payong", ang tukso ni Gerard. "Malas ko nga naman talaga tuwing byernes oh",ani Ismael sabay kamot sa ulo.
Biglang naalala ni Ismael ang nangyari sa kanyang panaginip. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang lahat ng iyon at kung sino pa yung tatlo niyang kaibigan bukod kay Fiel at Gerard at kung sino yung nakakatakot na baliw na may suot ng transparent na tsinelas. Nakatingin siya sa labas at saktong pagdaan ni Gng. Alusur at sa di inaasahan ay bigla itong nadulas. Gayon na lang ang gulat ni Ismael nang makita ang suot sa paa ng kanyang guro sapagkat hawig na hawig ito ng suot ng baliw sa kanyang panaginip.
Labels:
short story
Subscribe to:
Posts (Atom)